skip to content

Read about our recent product expansion here.

Color Health

Pahintulot para sa Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan

要以繁體中文閱讀,請單擊此處 >

Para mabasa ito sa Filipino, mag-click dito >

Pou li an kreyòl klike la >

Para ler em português clique aqui >

Чтобы прочитать это на русском, нажмите здесь >

Si aad Soomaaliya ugu akhrido halkan guji >

Para leerlo en español haz clic aquí >

 

Panimula

Inilalarawan ng form ng pahintulot na ito (“Pahintulot”) kung paano mo (tinutukoy bilang “ka/ikaw” o “mo/iyong”), bilang user ng Mga Serbisyo ng Color, susuriin ang mga partikular na panganib, benepisyo, at limitasyon ng pagsusuri, pagrereseta, rekomendasyon at/o mga pagbibigay ng panggagamot, pagpapayo, medikal na konsultasyon nang personal o sa pamamagitan ng telepono o video, mga serbisyo ng telehealth, at iba pang serbisyo (nang sama-sama, “(Mga) Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan”) kung saan ang Color Health, Inc., aming mga affiliate, at partner (“Color,” “kami,” “namin” o “amin”), at kung paano mo pinahihintulutan ang napiling (Mga) Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan.

Ang Tungkulin ng Color

Puwede kang iugnay ng Color sa mga clinician sa Color Medical, at/o mga hindi na-affiliate na clinician, laboratoryo, botika, at iba pang propesyonal, lahat ng ito ay maaaring may kanya-kanyang kaukulang tuntunin ng serbisyo at iba pang patakaran.  Hindi namin kinokontrol o pinakikialaman ang panggagamot ng mga clinician, na tanging sila ang responsable sa pangangalagang medikal at paggagamot na ibinibigay nila sa iyo. 

Kusang-loob na Paglahok

Ganap na boluntaryo ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Color. Ikaw ang pipili kung gagamitin mo ang aming Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o hindi batay sa iyong pagsusuri sa mga panganib, benepisyo, at limitasyon ng mga indibidwal na pagsusuri, paggamot o iba pang serbisyo, at ang pagkonsulta mo sa isang healthcare provider. 

Pamamaraan para sa Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Color

Maaari kang magkaroon ng pagkakataong pumili ng mga partikular na pagsusuri, paggagamot, o iba pang serbisyo, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagsusuri para sa o paggamot sa mga nakakahawang sakit, genetic at iba pang pagsusuri, at/o pagkonsulta sa isang healthcare provider hinggil sa mga hindi normal na resulta ng laboratoryo.

Magkakaroon ka ng pagkakataong suriin ang isang buod ng mga panganib, benepisyo, at limitasyon ng bawat Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan. Hinihikayat kang talakayin ang anumang katanungan o alalahanin sa pinili mong healthcare provider.

Sa pamamagitan ng pagpili ng Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, kinakatawan mo na mayroon kang sapat na pagkakataong suriin ang mga panganib, benepisyo, at limitasyon ng Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, at nagkaroon ka ng pagkakataong talakayin ang mga iyon sa iyong healthcare provider, kung nanaisin, at ibinibigay mo ang iyong pahintulot sa Color na magbigay ng access sa napiling Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan.  Sa ilang pagkakataon, posibleng hilingin sa iyo na magbigay ng karagdagang dokumentasyon ng pahintulot (hal., sa pamamagitan ng nakasulat o elektronikong paraan) para sa ilang partikular na Pangangalagang Pangkalusugan.

Paggamit ng Mga Serbisyo ng Telehealth

Maaaring magbigay ng access ang Color sa mga serbisyo ng telehealth at iugnay ang mga user sa mga third party na healthcare provider para bigyang-daan ang mga provider na iyon na remote na masuri ang medikal na impormasyon ng indibidwal para sa layuning makapagbigay ng pangangalaga. Maaaring kabilang sa “Mga serbisyo ng telehealth” ang remote na pag-diagnose at pagrereseta, pag-iiskedyul ng appointment, pagbabahagi ng impormasyon sa kalusugan, at mga serbisyong hindi klinikal, gaya ng pagbibigay ng kaalaman sa pasyente. Maaaring gamitin ang impormasyong ibibigay mo para sa pag-diagnose, paggagamot, pag-follow-up at/o pagbibigay ng kaalaman sa pasyente. Maaaring ibahagi mo at ng telehealth provider ang impormasyong pangkalusugan sa pamamagitan ng anumang kumbinasyon ng mga sumusunod: mga record ng kalusugan at resulta ng pagsusuri; mga larawan at hindi asynchronous na komunikasyon; live na two-way na audio at video; interactive na audio na puwedeng ma-store at maipasa; at output ng data mula sa mga medikal na device at mga file ng tunog at video.

Umiiral din sa telehealth ang mga batas na nagpoprotekta sa privacy at pagiging kumpidensyal ng impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan. Ginagamit at inihahayag ng Color ang Protected Health Information sa maraming paraang kaugnay ng paggagamot sa iyo, pagbabayad sa pag-aalaga sa iyo, at sa aming mga pagsasagawa ng pangangalagang pangkalusugan gaya ng ganap na inilalarawan sa Abiso Tungkol sa mga Kagawian sa Privacy sa HIPAA ng Color. 

May mga benepisyo at panganib sa paggamit ng telehealth. Maaaring kabilang sa mga potensyal na benepisyo ang mas madali, mas maginhawa, at mas mahusay na pagtanggap ng medikal na pangangalaga at paggagamot. Makakahingi ka rin ng pangangalaga sa mga serbisyong telehealth sa mga oras na mas maginhawa para sa iyo. Maaaring kabilang sa mga potensyal na panganib, na hindi limitado sa:

  • Posibleng hindi sapat ang available na impormasyon sa telehealth provider para magbigay-daan sa provider na makagawa ng angkop na medikal na desisyon, kabilang ang pag-diagnose o paggagamot.
  • Sa ilang pagkakataon, ang kawalan ng kakayahan ng telehealth provider na makapagsagawa ng harapang pagsusuri ay puwedeng makapigil sa provider na makapagbigay ng diagnosis o paggagamot o matukoy ang pangangailangan para sa pang-emergency na pangangalaga o paggagamot.
  • Posibleng magdulot ng mga problema sa pag-broadcast at pagsagap ng impormasyon ang mga isyu sa teknolohiya, gaya ng mga pagkaantala ng mga signal o mga problema sa imprastraktura ng Internet (hal., hindi magandang kalidad ng larawan o tunog, mga napuputol na koneksyon, magulong audio) na nakakahadlang sa epektibong interaksyon sa pagitan mo at ng gumagamot na healthcare provider, at puwedeng humantong sa pagkawala ng impormasyon.

Gaya ng anumang komunikasyong nasa Internet, may panganib na paglabag sa seguridad. Kasama sa mga ginamit na electronic system ang mga protocol ng seguridad ng network at software para protektahan ang pagiging kumpidensyal ng data ng pasyente at may mga hakbang para pangalagaan ang data at para matiyak ang integridad nito. 

Maaari ding kasama o may access sa aking impormasyon para sa sesyon ng telehealth ang mga indibidwal na bukod pa sa telehealth provider para makatulong sa pagpapatakbo, paghahatid o pagkumpuni ng serbisyo at mga teknolohiya ng telehealth.  Susunod ang mga taong ito sa mga kaukulang patakaran sa privacy at seguridad.

Pinatutunayan ko ang mga sumusunod:

  1. May legal na karapatan ako na magbigay ng pahintulot para sa Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan.
  2. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na ang Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan kung saan Color ang nagbigay ng access ay posibleng hindi angkop sa ilang partikular na populasyon ng mga tao na may ilang partikular na kundisyon o sintomas. Bago tumanggap ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, nagkaroon ako ng pagkakataong kumonsulta sa aking healthcare provider. 
  3. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na bibigyan ako at susuriin ko ang impormasyon tungkol sa mga napiling Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, pati ang mga benepisyo, panganib, posibleng problema o kumplikasyon, at mga alternatibong pagpipilian para sa aking pangangalagang medikal.
  4. Nauunawaan kong may karapatan akong kumonsulta sa sarili kong healthcare provider bago magpasya kung tatanggapin ang Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o tatanggihan ang anumang Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan kung matiyak kong hindi ko tinatanggap ang mga potensyal na panganib o kung hindi ito angkop para sa akin. 
  5. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na hindi magkakaroon ng access sa buong medikal na record ko ang isang healthcare provider na ina-access ko sa pamamagitan ng Color at ang impormasyong pangkalusugan na ibibigay ko sa oras ng aking Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o pagpapatingin sa telehealth ang maaaring tanging pagkukunan ng impormasyong pangkalusugan na gagamitin ng healthcare provider sa oras ng pagsusuri at paggamot sa akin.
  6. Nauunawaan, sumasang-ayon, at hayagan kong pinahihintulutan ang Color sa pagkuha, paggamit, pag-store, at pagbibigay sa mga kinakailangang third party, ng impormasyon tungkol sa akin, pati ang larawan ko kung kinakailangan, para maibigay ang mga serbisyo ng telehealth.  Pinahihintulutan kong ibahagi ang aking mga medikal na record sa aking pangunahing provider ng pangangalaga o iba pang healthcare provider na tinukoy ko.  Nauunawaan ko ring magkakaroon ako ng access sa lahat ng impormasyong medikal na bunga ng pagkonsulta sa Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o telehealth gaya ng itinakda ng naaangkop na batas para sa pag-access ng pasyente. 
  7. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na ibibigay muna o sa oras ng paggamit ko ng Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o telehealth ang pagkakakilanlan at mga kredensyal ng aking healthcare provider. Sakaling magkaroon ng problemang panteknolohiya, magbibigay ang aking clinician ng mga susunod na hakbang o follow-up na impormasyon. 
  8. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na, sa pag-sign up ko para sa isang Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, pinahihintulutan ko ang pagsasagawa at paghahatid ng Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan na iyon ng Color.
  9. Nauunawaan kong may karapatan akong tanggihan o bawiin ang pahintulot sa anumang Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan at sa paggamit ng Color sa telehealth anumang oras. Nauunawaan ko na kung babawiin ko ang aking pahintulot para sa isang Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan o sa paggamit ng telehealth, hindi ito makakaapekto sa anumang susunod pang serbisyo o benepisyo sa pangangalaga na karapatan kong matanggap, ngunit ang pagbawi ng pahintulot ay makakaapekto sa kakayahang patuloy na makatanggap ng isang partikular na Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan hanggang sa maibigay ang bagong pahintulot para sa Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan na iyon.
  10. Nauunawaan at sumasang-ayon ako na ang Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Color at mga serbisyo ng telehealth ay hindi inilalaan para sa pang-emergency na pangangalaga o emergency na sitwasyon ng kalusugan.  Sakaling may medikal na emergency o masamang reaksyon sa paggagamot, nauunawaan ko na dapat akong tumawag sa 911.
  11. Nauunawaan ko ang mga panganib, benepisyo, at limitasyon sa mga serbisyo ng telehealth na inilalarawan sa itaas.
  12. Pinapatotohanan ko na natanggap at nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo, Patakaran sa Privacy, at Abiso Tungkol sa mga Kagawian sa Privacy sa HIPAA ng Color.
  13. Nauunawaan kong pareho ang bisa ng aking elektronikong lagda at ng aking sulat-kamay na lagda.

Mga Pahintulot na Partikular sa Estado para sa Mga Serbisyo ng Telehealth:

Naaangkop ang mga sumusunod na impormasyon sa mga pasyenteng gumagamit sa mga serbisyo ng telehealth mula sa mga estadong nakalista sa ibaba.

  • New York:  Nauunawaan kong puwede kong tanungin ang aking telehealth provider kung paano i-verify ang kanyang propesyonal na lisensya.  
  • Texas:
    • ABISO HINGGIL SA MGA REKLAMO – Ang mga reklamo tungkol sa mga doktor, pati na sa iba pang may lisensya at nagparehistro sa Texas Medical Board, pati ang mga assistant ng doktor, acupuncturist, at assistant sa pag-opera ay maaaring isumbong para maimbestigahan sa sumusunod na address: Texas Medical Board, Attention: Investigations, 333 Guadalupe, Tower 3, Suite 610, P.O. Box 2018, MC-263, Austin, Texas 78768-2018. Available ang tulong sa paghahain ng reklamo sa pamamagitan ng pagtawag sa susunod na numero ng telepono: 1-800-201-9353. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang aming website sa www.tmb.state.tx.us.
    • AVISO SOBRE LAS QUEJAS – Las quejas sobre médicos, así como sobre otros profesionales acreditados e inscritos del Consejo Médico de Tejas, incluyendo asistentes de médicos, practicantes de acupuntura y asistentes de cirugía, se pueden presentar en la siguiente dirección para ser investigadas: Texas Medical Board, Attention: Investigations, 333 Guadalupe, Tower 3, Suite 610, P.O. Box 2018, MC-263, Austin, Texas 78768-2018. Si necesita ayuda para presentar una queja, llame al: 1-800-201-9353, Para obtener más información, visite nuestro sitio web en www.tmb.state.tx.us.
  • Utah:  Para sa karagdagang impormasyon, lokasyon, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng may-ari-operator ng telehealth website, makipag-ugnayan sa support@color.com.


Pagpapatotoo

(a) Pinatutunayan mo na ikaw ang pasyente, o awtorisado kang magbigay ng pahintulot para sa pasyente bilang kinatawan o legal na tagapangalaga ng pasyente, (b) pinapatotohanan at tinatanggap mo ang mga panganib na tinukoy sa itaas at sa mga tuntuning kaugnay ng pagtanggap ng Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan, pati ang sa pamamagitan ng mga serbisyo ng telehealth, at (c) ibinibigay mo ang iyong may kaalamang pahintulot para matanggap ang Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan sa ilalim ng mga tuntuning inilalarawan dito.