May Kaalamang Pahintulot para sa COVID-19
BAKIT SINUSURI ANG MGA MAG-AARAL AT STAFF?
Ibinibigay ng Chicago Public Schools (CPS) ang pagsusuri para sa COVID-19 bilang bahagi ng mga pagsisikap ng distrito na maisulong ang kaligtasan ng aming mga mag-aaral, staff, at komunidad sa paaralan. Bahagi ito ng pangkalahatang protocol ng distrito sa kaligtasan na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, pantakip sa ilong at bibig, social distancing, at iba pang pamamaraan sa pagpapababa ng panganib. Puwedeng maging mahalagang hakbang ang pagtukoy kung may COVID-19 virus ang isang mag-aaral o miyembro ng staff para maprotektahan sila at ang mga nakakahalubilo nila.
PARA SAAN SINUSURI ANG MGA MAG-AARAL AT STAFF?
Nagbibigay ng pagsusuri ang CPS sa mga mag-aaral at staff para ma-detect ang COVID-19 virus. Inilalarawan ng mga sumusunod na talata ang impormasyon at mga peligro na kaugnay ng pagsusuri.
PAANO ISINASAGAWA ANG PAGSUSURI?
Ang programa ng pagpapasuri para sa COVID-19 ng distrito ay binubuo ng pagkuha ng susuriing specimen sa pamamagitan ng pagpapasok ng maliit na swab, katulad ng Q-Tip, sa ilong sa loob ng lima hanggang sampong segundo. Isi-screen ang specimen para makita kung mayroon itong COVID-19, at karaniwang magiging available ang mga resulta sa loob ng 48-72 oras. Sisirain ang mga specimen sa wastong pamamaraan kapag natapos na ang pagsusuri.
GAANO KADALAS SINUSURI ANG MGA MAG-AARAL AT STAFF?
Bagaman isasagawa linggo-linggo ang on-site na pagsusuri, sa minimum, susuriin nang minsan lang kada buwan ang bawat mag-aaral. Linggo-linggong susuriin ang staff ayon sa naaangkop at kinakailangan. Posibleng mas madalas na iaalok ang pagsusuri ayon sa utos ng Office of Student Health and Wellness.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG POSITIBO ANG RESULTA NG PAGSUSURI SA MAG-AARAL O MIYEMBRO NG STAFF?1
Sakaling ipakita ng pagsusuri ang posibleng pagkakaroon ng COVID-19, aabisuhan ng lab na kumumpleto sa pagsusuring ito at Office of Student Health and Wellness ang magulang/tagapangalaga ng mag-aaral o miyembro ng staff tungkol sa “mga resulta na posibleng may klinikal na kahalagahan.” Pangangasiwaan ng CPS ang mga resulta na posibleng may klinikal na kahalagahan sa parehong paraan gaya ng mga pamamaraan sa pag-screen na ipinatutupad ng distrito, kabilang ang pag-screen sa sintomas, pagkuha ng temperatura, at nakikitang mga sintomas na parang sa COVID-19. Halimbawa, nangangahulugan ito na kung may anumang resultang may kahalagahan, kakailanganing manatili sa bahay pagkagaling sa paaralan ng sinumang mag-aaral o miyembro ng staff na posibleng may COVID-19. Kailangan din nilang bumukod hanggang sa wala na sila nito sa pamamagitan ng aprubadong diagnostic na pagsusuri. Kung hindi man, kailangan nilang sumunod sa gabay ng Chicago Department of Public Health sa kinakailangang pagkuwarantina at mga protokol sa pagbalik sa klase.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG NEGATIBO ANG RESULTA NG PAGSUSURI SA MAG-AARAL O MIYEMBRO NG STAFF?
Hindi ginagarantiyahan ng negatibong resulta ng pagsusuri na walang virus na nagdudulot ng COVID-19 ang isang tao, dahil kung minsan ay nagkakaroon ng maling negatibong resulta ang pagsusuri o mga “false negative.” Makikipag-ugnayan sa mga magulang/tagapangalaga kung makatanggap ng negatibong resulta ang isang mag-aaral. Makikipag-ugnayan din sa mga indibidwal na miyembro ng staff kung makatanggap sila ng negatibong resulta. Dapat isaalang-alang ang mga negatibong resulta kasama ng mga klinikal na obserbasyon, naoobserbahang sintomas, history ng kalusugan, at impormasyong pang-epidemya. Ang mga pagsusuri ay hindi panghalili sa mga medikal na diagnosis o payo.
PAANO PINOPROTEKTAHAN ANG MGA RESULTA NG PAGPAPASURI KO?
Iuulat ang mga positibong resulta ng pagsusuri sa isang secure at kumpidensyal na paraan. Maaaring ipadala ang mga positibong resulta ng pagsusuri, kapag hiniling, sa sinumang awtorisadong tumanggap ng mga resulta ng pagsusuri. Puwede ring gamitin at ihayag ng CPS ang mga resulta ng pagsusuri para sa mga layunin na pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa paaralan, para maprotektahan ang kaligtasan ng mga empleyado, mag-aaral nito, at ang mas malaking komunidad ng CPS, at para makapagbigay ng pinagsama-samang data ng publiko o data na walang pagkakakilanlan tungkol sa malawakang pagsusuri at mga resulta sa distrito. Pananatilihin ng CPS na kumpidensyal ang mga positibong resulta ng pagsusuri ayon sa hinihingi ng batas. Hinggil sa anumang kinakailangang paghahayag, gagamit ng makatwirang pagsisikap ang CPS para maghayag lang ng minimum na kinakailangang impormasyon. Susunod ang CPS sa lokal na mga panuntunan ng Chicago Department of Public Health at Illinois Department of Public Health para sa paghahayag ng mga resulta sa mga pampublikong opisyal ng kalusugan.
PAGLALABAS AT MAY KAALAMANG PAHINTULOT PARA SA PAGSUSURI
Sa pamamagitan ng paglagda sa ibaba, kinukumpirma ko na may legal na awtoridad akong magbigay ng pahintulot para sa sarili ko o para sa menor de edad kong anak na naghahangad na masuri para sa COVID-19. Kusang-loob ko ring pinapahintulutan ang mga sumusunod:
- Pakikilahok sa pagkuha at pagsusuri ng specimen para ma-detect ang pagkakaroon ng COVID-19;
- Ang pinakakaraniwang panganib na kaugnay ng gayong mga pagkuha ay banayad na kirot o pananakit, kaunting pagkaduwal, o kaunting pagdurugo ng ilong. ;
- Maaaring panatilihin ang mga resultang iyon na may klinikal na kahalagahan bilang isang record ng empleyado, mag-aaral, o pangkalusugan (ayon sa naaangkop) sa parehong paraan na kasalukuyang nagpapanatili ng iba pang record ng empleyado, mag-aaral, o pangkalusugan, gaya ng mga pagbabakuna at pisikal na pagsusuri;
- Na nauunawaan kong may posibilidad na magkaroon ng hindi totoong positibo o hindi totoong negatibong resulta gaya ng anumang medikal na pagsusuri at hindi dapat gamitin ang pagsusuring ito bilang tanging batayan, o anumang tiyak na batayan, para ma-diagnose o makumpirma ang COVID-19 o maipaalam ang status ng impeksyon;
- Para sa pagkuha, paggamit, at paghahayag ng personal na impormasyon, kabilang ang mga resulta ng pagsusuri, para sa layuning maisagawa ang pagsuri para sa COVID-19 at mabigyan-daan ang pagpapabatid ng mga resulta ng pagsusuri sa akin, sa menor de edad kong anak (kung naaangkop), sa nag-utos na doktor, CPS, Thermo Fisher, at/o Color Health; at
- Talikuran ang anuman at lahat ng karapatan, paghahabol, dahilan ng pagkilos, danyos, at/o anumang uri ng gastusin na dulot ng paglahok ng iyong anak sa pagsusuring ito.
Valid ang pahintulot para sa kasalukuyang pagsusuri, maliban kung magpasya ako na ipawalang-bisa ang pahintulot ko sa kasulatan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa 773-553-KIDS o covidtestingcps@cps.edu. Pakitandaan lang na hindi ka makakasali sa pagsusuri sa programa kung ipapawalang-bisa mo ang iyong pahintulot, at hindi malalapat ang anumang pagpapawalang-bisa sa pagsusuring tinanggap sa ilalim ng programa bago iproseso ang kahilingan mo para sa pagpapawalang-bisa.
1 Posibleng magresulta sa hindi totoong positibo ang mga pagsusuri paminsan-minsan. Ang mga positibong resulta ay palatandaan ng pagkakaroon ng virus na nagdudulot ng COVID-19; gayunman, kailangan ang klinikal na kaugnayan sa history ng pasyente at iba pang diagnostic na impormasyon para matukoy ang status ng impeksyon ng pasyente. Hindi inaalis ng mga positibong resulta ang posibilidad ng impeksyon sa bakterya o kasabay na pagkahawa sa iba pang virus. Posibleng hindi tiyak na sanhi o resulta ng sakit ang (mga) na-detect na agent sa pagsusuri. Puwede mong pag-isipang humingi ng payong medikal para sa mga positibong resulta.