skip to content

Read about our recent product expansion here.

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Color Health

Huling Na-update: Oktubre 1, 2023

 

This content is also available in: العربية 繁體中文 English 한국어 Русский Español Tiếng Việt 简体中文

Pakibasa ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (ang “Mga Tuntunin”) at ang aming Pahayag sa Privacy  (“Pahayag sa Privacy”) nang mabuti dahil sumasaklaw ang mga ito sa iyong paggamit sa mga serbisyo ng Color Health, Inc. at ng mga kaakibat nito (na sama-samang tinutukoy bilang, “Color,” “kami,” “amin,” o “namin”) kasama na ang paggamit at pag-access sa aming website na makikita sa www.color.com (“Site”), mga naaayong mobile application (“App”), aming mga serbisyo sa platform ng paghahatid at teknolohiya para sa healthcare, available na screening at pagsusuri (“Mga Pagsusuri”) at produkto (tulad ng inilalarawan pa sa ibaba) na naa-access sa pamamagitan ng Site, at lahat ng iba pang website at online na application na pinagagana ng Color o ng mga kaakibat nito na iniuugnay o nagsasama sa Mga Tuntuning ito (“Iba pang Serbisyo”).   Upang gawing mas madaling basahin ang Mga Tuntuning ito, ang Site, mga serbisyo, produkto, pagsusuri, App at Iba pang Serbisyo ay sama-samang tinutukoy bilang “Mga Serbisyo.”

ANG COLOR AY PUWEDENG TUMULONG PARA IKONEKTA KA SA MGA SERBISYO, PERO HINDI MO DOKTOR ANG COLOR AT HINDI ITO NANGGAGAMOT O NAGBIBIGAY NG ANUMANG ANYO NG PANGANGALAGANG MEDIKAL O PAYONG MEDIKAL.  HINDI PARA SA MGA EMERGENCY ANG PAGGAMIT SA MGA SERBISYO.  KUNG SA TINGIN MO AY MAY MEDIKAL KANG EMERGENCY, TUMAWAG SA 911 O PUMUNTA SA PINAKAMALAPIT NA BUKAS NA KAGAWARANG PANG-EMERGENCY. 

Hindi angkop ang Mga Serbisyo para sa lahat ng kondisyon o alalahaning medikal.  Inirerekomenda naming makipag-usap ka sa iyong doktor o iba pang kwalipikadong healthcare provider hinggil sa anumang tanong na maaaring mayroon ka tungkol sa Mga Serbisyo bago ka pumayag na magpagamot o magpasuri. Mahalagang mapag-aralan mo muna nang mabuti ang anumang fact sheet o iba pang ipinamamahaging impormasyon at makakuha ng sagot para sa lahat ng iyong tanong bago magpatuloy.  Hindi ka dapat gumawa ng mga medikal na desisyon o pagbabago sa mga gamot o dosis nang hindi kumokonsulta sa isang healthcare provider. 

1.             Mga Serbisyo. Maaaring kasama nang walang limitasyon sa Mga Serbisyong iniaalok ng o sa pamamagitan ng Color ang sumusunod:

(a) Mga software platform para sa pamamahala ng mga populasyon ng mga indibidwal at paghahatid ng mga serbisyo ng Color at kasosyo at mga pananaw sa kalusugan (“Mga Serbisyo ng Platform”);

(b) Mga screening at pagsusuri para sa kanser at mga pansuportang serbisyo kasama na ang, pero hindi limitado sa, mga grupo para sa mabuting kalagayan ng pag-iisip na pinangungunahan ng peer (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo ng Screening para sa Kanser”);

(c) Mga screening at pagsusuri para sa cardiometabolic disease at mga pansuportang serbisyo (“Mga Serbisyo ng Screening para sa Cardio”);

(d) Adbokasiya at pamamahala sa pangangalagang hindi klinikal, kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagkoordina sa kalusugan, mga benepisyo, at pagnabiga sa insurance, at pagtalakay sa mga planong pangangalaga (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo ng Adbokasiya sa Pangangalaga”);

(e) Pagpapasuri para sa COVID-19 (“(Mga) Pagpapasuri para sa COVID-19”) at pamamahala sa protokol (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo sa Pagpapasuri para sa COVID-19”);

(f) Mga pagpapabakuna at mga serbisyong pansuporta (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo ng Platform sa Pagpapabakuna”);

(g) Pagpapasuri sa nakahahawang sakit (“(Mga) Pagpapasuri sa Nakahahawang Sakit”) at mga pansuportang serbisyo (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo sa Nakahahawang Sakit”);

(h) Pagpapasuri para sa Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit (“(Mga) Pagpapasuri para sa Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit”) at mga pansuportang serbisyo (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo para sa Pangangalagang Pang-iwas sa Sakit”);

Pagpapasuri ng genetics (a “(Mga) Pagpapasuri ng Genetics”) at mga pansuportang serbisyo (na sama-samang tinutukoy bilang, “Mga Serbisyo sa Pagpapasuri ng Genetics”);

(j) Mga serbisyo ng laboratoryo (“Mga Serbisyo ng Laboratoryo”);

(k) Mga serbisyo ng botika (“Mga Serbisyo ng Botika”); 

(l) Mga serbisyo ng healthcare provider o na klinikal (“Mga Serbisyo ng Provider”) at

(m) Access sa mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng Site o App at anupamang feature, content, o application na maaari naming ialok paminsan-minsan.

Maaari kang iugnay ng Color sa mga third-party na clinician gaya ng Color Medical, PA at/o iba pang third-party na grupo ng clinician, laboratoryo, botika, at propesyonal, na maaaring may sari-sariling angkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo at iba pang patakaran.  Hindi namin kinokontrol o pinakikialaman ang panggagamot ng mga clinician, na siyang may tanging responsibilidad para sa medikal na pangangalaga at paggagamot na ibinibigay niya sa iyo. 

2.              Pagsang-ayon sa Mga Tuntunin. Ang iyong pag-access at paggamit sa Mga Serbisyo ay nakapailalim sa Mga Tuntuning ito, gumawa ka man ng account o hindi. Kapag in-access mo o ginamit ang Mga Serbisyo, kinikilala mong nauunawaan mo at sang-ayon kang mapailalim sa Mga Tuntuning ito. Kung hindi ka sang-ayong mapailalim sa Mga Tuntuning ito, huwag i-access o gamitin ang Mga Serbisyo.

3.              Paunawa sa Privacy. Pag-aralan ang aming Patakaran sa Privacy, na naglalarawan kung paano kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ng Color ang impormasyon tungkol sa iyo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.

4.              Mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito o sa Mga Serbisyo.Maaari naming i-update ang Mga Tuntuning ito paminsan-minsan kapag na-post namin ang na-update na Mga Tuntunin sa Site at sa App. Kapag ginamit mo ang Mga Serbisyo matapos i-post ang na-update na Mga Tuntunin, ibig sabihin, tinatanggap mo at sang-ayon kang mapailalim sa na-update na Mga Tuntunin. Kung hindi ka sang-ayong mapailalim sa Mga Tuntunin tulad ng pag-iral ng mga ito sa panahon ng paggamit mo sa Mga Serbisyo, hindi mo maaaring gamitin ang Mga Serbisyo. Dahil nagbabago-bago ang aming Mga Serbisyo sa pagdaan ng panahon, maaari naming ibahin o ihinto ang lahat o alinmang bahagi ng Mga Serbisyo, anumang oras at nang walang abiso, ayon sa sarili naming pagpapasya.

5.              Mga Karagdagang Tuntunin.Maaari kaming magbigay ng ilang partikular na serbisyong nakapailalim sa mga karagdagang tuntunin, at kapag ginamit mo ang mga nasabing serbisyo, ibig sabihin, sang-ayon ka sa mga angkop na karagdagang tuntunin. Ang mga indibidwal na kalahok sa Mga Serbisyo sa mga Customer na Organisasyon ng Color ay maaari ding mapailalim sa mga karagdagang tuntunin.

6.              Katumpakan ng Impormasyong Ibinibigay Mo.Tanging ikaw ang may responsibilidad para sa pagiging totoo at tumpak ng lahat ng impormasyong ibibigay mo para sa iyong sarili o sa iba pang (mga) indibidwal, at itinatatwa ng Color ang anumang pananagutan o pinsalang resulta ng kahit anong di-totoo o di-tumpak na impormasyong ibibigay mo.

7.               Sino ang Maaaring Gumamit sa Mga Serbisyo?

(a) Legal na awtoridad. Ikinakatawan mo na mayroon kang legal na awtoridad para gamitin ang Mga Serbisyo. Kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo para sa iba pang indibidwal, ikinakatawan mo na may legal kang awtoridad para gamitin ang Mga Serbisyo o tumugon para sa kanila.

Ang Color ay hindi nagma-market o nilayon para sa mga menor de edad na mas bata sa labintatlong (13) taong gulang upang gamitin o i-access ang Site nang walang pahintulot ng magulang/tagapangalaga. Hindi dapat bababa sa labintatlong (13) taon ang iyong edad para ma-access ang Site at magamit ang Mga Serbisyo. Maaaring available ang ilang partikular na Mga Serbisyo para sa mga indibidwal na mas bata sa labinwalong (18) taong gulang na may pahintulot ng magulang o tagapangalaga, o kung pinapayagan ng kinauukulang batas sa iyong hurdisdiksyon ang mga taong mas bata sa labinwalo (18) na magbigay-pahintulot para sa sarili nila upang tanggapin ang Mga Serbisyong ito. Kapag sinang-ayunan ang Mga Tuntuning ito, ikinakatawan at ginagarantiyahan mo sa Color na ang paggamit mo sa Serbisyo ay nakaayon sa alinman at lahat ng kinauukulang batas at regulasyon at pinag-aralan at sinasang-ayunan mo ang Paunawa sa Privacy ng Color at, kung saan angkop, ang aming Paunawa sa Mga Kasanayan sa Privacy kaugnay ng HIPAA, Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito, at anupamang angkop na tuntunin ng Serbisyo. Higit mo pang ikinakatawan at ginagarantiyahang (ii) hindi bababa sa labintatlong (13) taon ang iyong edad; (iii) kung magbibigay ka ng bayolohikal na specimen at hihiling ka ng Serbisyo, dapat ay (1) hindi ka bababa sa labinwalong (18) taong gulang, o (2) kung mas bata sa labinwalong (18) taong gulang, (a) pinapayagan ka sa ilalim ng mga batas at regulasyon sa iyong hurisdiksyon na magbigay-pahintulot sa Serbisyo, o (b) nakapagbigay ang isang magulang o legal na tagapangalaga ng pahintulot at anumang angkop na awtorisasyon upang makuha mo ang Serbisyo alinsunod sa mga proseso ng Color.

(b) Screening para sa pagkwalipika. Ang iyong pagkwalipika para mag-iskedyul at tumanggap ng Mga Serbisyo ay maaaring nakasalalay sa impormasyong personal at pang-screening na ibibigay mo.

(c) Mga serbisyo sa account. Para sa ilang partikular na feature ng Mga Serbisyo, kailangan mo ng account sa Color. May responsibilidad kang magbigay ng tumpak at kumpletong impormasyon ng account at panatilihing napapanahon ang impormasyon ng account. Kung hindi, maaari naming suspendihin o wakasan ang iyong account. Upang protektahan ang iyong account, panatilihing kumpidensiyal ang mga detalye at password ng account, at ipaalam sa amin kaagad ang tungkol sa anumang di-awtorisadong paggamit. May responsibilidad ka para sa lahat ng aktibidad na magaganap sa ilalim ng iyong account.

(d) Hurisdiksyon. Ikinakatawan at ginagarantiyahan mong (i) wala ka sa isang bansang nakapailalim sa embargo ng Pamahalaan ng U.S., o naitalaga ng Pamahalaan ng U.S. bilang bansang sumusuporta sa terorista; at (ii) hindi ka nakalista sa anumang listahan ng Pamahalaan ng U.S. tungkol sa mga ipinagbabawal o pinaghihigpitang partido.

8.             Mga Serbisyo sa Pagbabakuna. Nauunawaan mo na walang bakuna ang magbibigay sa iyo ng wagas na proteksiyon laban sa pagkakasakit, at may mga peligrong hindi maiiwasan sa pagtanggap ng anumang bakuna. 

9.              Mga Healthcare Provider na Kumikilos para sa Kanilang mga Pasyente.  Kung isa kang healthcare provider na nagsusumite ng iniutos na Pagsusuri para sa iyong pasyente, ikinakatawan at ginagarantiyahan mong (i) mayroon kang may bisa at naipatutupad na propesyonal na lisensiya at awtorisado ka sa iyong hurisdiksyon para iutos ang Pagsusuri para sa iyong pasyente; (ii) pinayuhan mo ang iyong pasyente tungkol sa mga benepisyo, peligro, kakayahan, at limitasyon ng (Mga) Pagsusuri at (Mga) Serbisyo; (iii) nakakuha ka ng pahintulot mula sa iyong pasyente upang ibahagi sa Color ang impormasyon sa kalusugan ng pasyente, tulad ng iniaatas sa ilalim ng HIPAA, at anupamang angkop na kinakailangan sa privacy ng datos; (iv) kinumpirma mong pinirmahan o pipirmahan ng iyong pasyente ang angkop na pahintulot na nagbibigay-kaalaman; at (v) aabisuhan mo ang Color tungkol sa anumang pagbabago sa impormasyon ng pasyente at katayuan ng pahintulot (hal., mga pagbabago sa pahintulot hinggil sa pagtatabi ng sample o paglahok sa opsiyonal na pananaliksik).

10.            Pagpoproseso ng Sample. Kapag hindi nakolekta at naibalik sa tamang oras ang iyong specimen bilang mahigpit na pagsunod sa mga tagubilin at takdang petsa sa pagkolekta at pagpapadala, maaaring maantala o hindi maibalik ang resulta ng pagsusuri. Walang pananagutan ang Color para sa anumang hindi pagsunod sa tagubiling ito, o para sa mga pagkaantala o pagkawala ng specimen dahil sa pagpapadala, transportasyon, lagay ng panahon, o iba pang di-nakokontrol na pangyayari. Para sa pamalit na pagsusuri, maaaring kailanganin ng bagong specimen at maaaring magkaroon ka ng bayarin para sa pamalit na test kit.

11.            Impormasyong Ibinibigay sa Color ng mga Third Party. Maaaring ibigay o gawing available ng Color para sa iyo ang impormasyong natatanggap nito mula sa isang sistemang pangkalusugan; pamahalaan ng estado, county, o lungsod; employer; paaralan o unibersidad; o iba pang taga-sponsor na entity o iba pang third-party. Hindi responsibilidad ng Color na siguruhing tumpak ang anumang nasabing impormasyon.

12.           Feedback.Pinahahalagahan namin ang mga feedback, komento, ideya, panukala, at mungkahi para sa mga pagpapabuti sa Mga Serbisyo (“Feedback”). Kung pipiliin mong magsumite ng Feedback, sang-ayon ka na malaya namin itong magagamit nang walang anumang paghihigpit o kabayaran sa iyo.

13.           Pagbabayad. Ang ilang partikular na pagpapasuri, pagpapabakuna, serbisyo ng botika, pagpapadala, pagpapatingin sa clinician, at iba pang serbisyong pangkalusugan na available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay maaaring mangailangan ng bayad. HINDI NARE-REUND ANG LAHAT NG NASABING PAGBABAYAD.

(a) Pangkalahatan. Kapag nagbayad ka para sa alinman sa aming Mga Serbisyo (ang bawat isa ay ituturing na “Transaksyon”), hayagan mo kaming inaawtorisa (o ang aming third-party na tagaproseso ng bayad) na singilin ka gamit ang Impormasyon sa Pagbabayad (tulad ng inilalarawan sa ibaba) para sa nasabing Transaksyon. Maaari naming hilingin sa iyo na mag-supply ka ng karagdagang impormasyong may kinalaman sa Transaksyon mo, kasama na ang numero ng iyong credit card, ang petsa ng pagkawalang-bisa ng credit card mo, at ang iyong email address at address ng tirahan para sa pagsingil at pag-abiso (ang nasabing impormasyon ay “Impormasyon sa Pagbabayad”). Ikinakatawan at ginagarantiyahan mo na may legal kang karapatang gamitin ang lahat ng (mga) paraan ng pagbabayad na nakasaad sa anumang nasabing Impormasyon sa Pagbabayad. Kapag nagpasimula ka ng Transaksyon, inaawtorisa mo kami para ibigay ang iyong Impormasyon sa Pagbabayad sa mga third party upang makumpleto namin ang Transaksyon mo at upang masingil ang iyong paraan ng pagbabayad para sa uri ng Transaksyong pinili mo (pati na ang anumang angkop na buwis at iba pang singilin). Maaaring kailangan mong magbigay ng karagdagang impormasyon para beripikahin ang iyong pagkakakilanlan bago kumpletuhin ang iyong Transaksyon (kasama ang nasabing impormasyon sa paglalarawan sa Impormasyon sa Pagbabayad). Kapag nagpasimula ka ng Transaksyon, sang-ayon ka sa mga patakaran sa pagpepresyo, pagbabayad, at pagsingil na angkop sa mga nasabing bayarin at singilin, tulad ng nakatala o kaya naman ay naipahayag sa iyo. Ang lahat ng pagbabayad para sa Mga Transaksyon ay hindi nare-refund at hindi naililipat maliban na lang kung hayagang nakasaad sa Mga Tuntuning ito. Ang lahat ng bayarin at angkop na buwis, kung mayroon man, ay babayaran gamit ang dolyar ng United States.

(b) Insurance. Sa ilang partikular na sitwasyon, maaaring saklawin ng aming health plan ang lahat o ang bahagi ng iyong paggamit sa Mga Serbisyo. Alinsunod sa mga tuntunin ng kaukulang nakasulat na kasunduan sa health plan, maaari mo kaming awtorisahang singilin ang Mga Serbisyo para sa iyo at ibahagi ang kailangang impormasyon sa health plan upang iproseso ang mga pagbabayad. Kung sasaklawin ng iyong health plan ang Mga Serbisyo ng Color at magbabayad ito sa Color para sa isang partikular na Transaksyon, ang iyong obligasyon sa pagbabayad para sa nasabing Transaksyon ay babawasan ng halagang aktuwal na ibinayad ng iyong health plan sa Color. Maaari kang patawan ng responsibilidad para sa anumang bayaring hindi sasaklawin ng iyong health plan, gaya ng mga copay, deductible, at coinsurance. Maaari naming hilingin sa iyo na magbigay ka ng impormasyon ng insurance, kasama na ang iyong insurer, ID number, RxBin number, at RxPCN number. Kapag nagbigay ka ng impormasyon ng insurance, ikinakatawan mo na tumpak, kumpleto, at pangkasalukuyan ang nasabing impormasyon.

14.           Ang Iyong Content.

(a) User Content.Maaari kang payagan ng aming Mga Serbisyo na magsumite, magtabi, o magbahagi ng impormasyon, datos, o content gaya ng text (kung makikipag-usap sa mga healthcare provider o iba pa), file, pagtatasa, hakbang sa pag-uulat nang mag-isa, sample sa lab, resulta sa laboratoryo, reseta, at dokumentong pambotika, medikal na rekord, kasaysayan ng pamilya, dokumento, graphics, image, software, audio, at video. Ang kahit ano (bukod sa Feedback) na ginagawa mong available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay tinutukoy bilang “User Content.” Walang inaako ang Color na mga karapatan sa pagmamay-ari sa anumang User Content at walang kahit ano sa Mga Tuntuning ito ang ituturing na paghihigpit sa anumang karapatang maaaring mayroon ka sa iyong User Content.

(b) Mga Pahintulot para sa Iyong User Content. Binibigyan mo ang Color ng lisensiya upang gamitin ang anumang User Content para paganahin at ibigay ang Mga Serbisyo. Bukod pa rito, sakaling isapubliko mo ang anumang User Content, binibigyan mo ang Color ng lisensiyang di-eksklusibo, di-naililipat, pandaigdigan, walang royalty, nang may karapatang i-sublicense, gamitin, kopyahin, baguhin, gawan ng mga hangong likha, ipakita sa publiko, at ipamahagi, ang anumang pampublikong User Content na may kinalaman sa pagpapagana at pagbibigay sa Mga Serbisyo.

(c) Ang Iyong Responsibilidad para sa User Content. Tanging ikaw ang may responsibilidad para sa lahat ng iyong User Content. Ikinakatawan at ginagarantiyahan mo na mayroon (at magkakaroon) ka ng lahat ng karapatang kailangan upang bigyan kami ng mga karapatan sa lisensiya sa iyong User Content sa ilalim ng Mga Tuntuning ito. Ikinakatawan at ginagarantiyahan mo na ang iyong User Content, o ang paggamit at pagbibigay mo sa iyong User Content para gawing available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, o anumang paggamit sa iyong User Content ng Color sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay hindi susuway, gagamit sa maling paraan, o lalabag sa mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari ng isang third party, o sa mga karapatan sa pagsasapubliko o pagkapribado, o magreresulta sa paglabag sa anumang kinauukulang batas o regulasyon.

(d) Pag-aalis ng User Content. Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, puwede mong ipaalis ang iyong User Content kapag nakipag-ugnayan ka sa support@color.com. Sa ilang partikular na pagkakataon, ang ilan sa iyong User Content (gaya ng mga post o komentong ginagawa mo) ay maaaring hindi ganap na maalis, at maaaring patuloy na magkaroon ng mga kopya ng iyong User Content sa Mga Serbisyo. Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, wala kaming responsibilidad o pananagutan para sa pag-alis o pag-delete (o sa hindi pag-alis o pag-delete) sa alinman sa iyong User Content. Maaaring atasan ang Color na panatilihin ang User Content kaugnay ng aming legal na pangangailangan para magpreserba ng mga rekord na may kinalaman sa kalusugan.

(e) Pagsubaybay sa User Content. Hindi obligado ang Color para subaybayan ang pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo o sa pagsusuri o pag-edit ng anumang content. Gayunman, mayroon kaming karapatang gawin ito para sa layunin ng pagpapagana sa Mga Serbisyo, upang matiyak ang pagsunod sa Mga Tuntuning ito at upang makasunod sa kinauukulang batas o iba pang legal na pangangailangan. Nakalaan sa amin ang karapatan, pero hindi kami obligado, para alisin o i-disable ang access sa anumang content, kasama na ang User Content, anumang oras at nang walang abiso, kasama na ang, pero hindi limitado sa, kung ituturing namin itong katutol-tutol o lumalabag sa Mga Tuntuning ito, ayon sa aming sariling pagpapasya.

(f) Intelektuwal na Pag-aari ng Color. Maaari naming gawing available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ang content na nakapailalim sa mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari. Pinananatili namin ang lahat ng karapatan sa content na iyon.

15.           Mga Karapatan at Mga Tuntunin para sa Mga App. Kung susunod ka sa Mga Tuntuning ito, magbibigay sa iyo ang Color ng limitadong lisensiyang di-eksklusibo, di-naililipat, na walang karapatang mag-sublicense, para gamitin at kung saanman angkop, i-download at i-install ang App sa iyong mga personal na device at upang i-access ang Site at paganahin ang App para lang sa sarili mong mga personal at di-komersiyal na layunin (maliban kung isa kang komersiyal na customer, kung saan bibigyan ka ng Color ng karapatang gamitin ang Site o App ayon sa mga tuntunin ng iyong angkop na komersiyal na kasunduan sa Color). Maliban kung gaya ng hayagang pinahihintulutan sa Mga Tuntuning ito, hindi mo maaaring (i) kopyahin, baguhin, o gawan ng mga hangong likha ang App; (ii) ipamahagi, ilipat, i-sublicense, ipahiram, ipaupa, o iparenta ang Site o App (iii) i-reverse engineer, i-decompile, o i-disassemble ang Site o App ; o (iv) gawing available ang functionality ng Site o App sa maraming user gamit ang anumang paraan.

16.           Mga Email, Text Message, at Tawag tungkol sa Serbisyo. Kung ibibigay mo ang iyong email address o numero ng cellular phone sa Color (nang online o sa text message), inaawtorisa mo ang Color, at ang mga tagapagbigay ng serbisyo nito, na makipag-usap sa iyo sa email, tawag sa telepono, at/o SMS/text message sa email o numerong ibinigay, kasama na ang paggamit ng mga auto-dialed, auto-generated, at/o pre-recorded na mensahe. Nauunawaan mo na ang mga nasabing mensahe ay maaaring magsama, nang walang limitasyon, ng mga authentication code para sa mga layunin ng pagberipika sa pagmamay-ari mo sa iyong mobile device at/o mga paalala tungkol sa mga paparating na appointment. Maaari kang mag-opt out sa pagtanggap ng mga tawag sa telepono, at/o text kapag sumagot ka ng STOP (HINTO) o nag-email ka sa support@color.com. Gayunman, maaaring makaapekto ang nasabing pag-opt out sa pag-access mo sa Mga Serbisyo. Kinikilala at sinasang-ayunan mo rin na ang mga komunikasyong ipadadala sa hindi naka-encrypt na email o sa mga text message sa isang open network ay likas na hindi secure, at hindi tiyak na mapananatiling kumpidensiyal ang impormasyong ipahahayag sa ganitong paraan.

17.           Mga Pangkalahatang Pagbabawal. Sang-ayon kang hindi mo gagawin ang alinman sa sumusunod:

(a) Ibenta ulit, ipamahagi, ilipat, o gamitin para sa anumang layunin bukod sa pagsasagawa ng (Mga) Pagsusuri, ang anumang kit sa pagkolekta ng sample para sa Pagsusuri, nang walang hayagang nakasulat na pahintulot mula sa Color;

(b) Mag-post, mag-upload, mag-publish, magsumite, o magpasa ng anumang User Content na: (i) sumusuway, ginagamit sa maling paraan, o lumalabag sa patent, copyright, trademark, trade secret, mga karapatang moral, o iba pang karapatan sa intelektuwal na pag-aari, o mga karapatan sa pagsasapubliko o pagkapribado ng isang third party; (ii) lumalabag, o naghihikayat ng anumang pag-aasal na lalabag, sa anumang kinauukulang batas o regulasyon o hahantong sa saguting sibil; (iii) nanloloko, mali, mapanlinlang, o nagpapanggap; (iv) mapanirang-puri, bastos, pornograpiko, mahalay, o mapanakit; (v) nagsusulong ng diskriminasyon, pang-aalipusta, racism, poot, panggigipit, o kapahamakan laban sa sinumang indibidwal o anumang grupo; (vi) marahas o mapagbanta o nagsusulong ng karahasan o mga kilos na mapagbanta sa sinumang tao o entity; o (vii) nagsusulong ng mga ilegal o mapanghamak na aktibidad o substance;

(c) Gamitin, ipakita, gayahin, o i-frame ang Mga Serbisyo o anumang indibidwal na elemento sa Mga Serbisyo, pangalan ng Color, anumang trademark, logo, o iba pang impormasyong pagmamay-ari ng Color, o ang layout at disenyo ng anumang pahina o form na laman ng isang pahina, nang walang hayagang nakasulat na pahintulot ng Color;

(d) I-access, i-tamper, o gamitin ang mga bahaging hindi pampubliko ng Mga Serbisyo, computer system ng Color, o teknikal na sistema ng paghahatid ng mga provider ng Color;

(e) Nang walang nakasulat na awtorisasyon mula sa Color, tangkaing siyasatin, i-scan, o subukin ang kahinaan ng anumang system o network ng Color o panghimasukan ang anumang hakbang sa seguridad o authentication;

(f) Iwasan, i-bypass, alisin, i-deactivate, sirain, i-descramble, o kaya naman ay ilihis ang anumang hakbang na teknolohikal na ipinatutupad ng Color o ng alinman sa mga provider ng Color o anupamang third party (kasama na ang iba pang user) upang protektahan ang Mga Serbisyo;

(g) Tangkaing i-access o hanapin ang Mga Serbisyo o i-download ang content mula sa Mga Serbisyo gamit ang anumang engine, software, tool, agent, device, o mekanismo (kasama na ang mga spider, robot, crawler, data mining tool, o katulad ng mga ito) bukod pa sa software at/o search agent na ibinibigay ng Color o iba pang pangkalahatang available na third-party na web browser;

(h) Magpadala ng anumang advertising na hindi hiningi o hindi awtorisado, materyal na pangpromosyon, email, junk mail, spam, chain letter, o iba pang anyo ng panghihingi;

(i) Gumamit ng anumang meta tag o iba pang nakatagong text o metadata na gumagamit ng trademark, logo URL, o pangalan ng produkto ng Color nang walang hayagang nakasulat na pahintulot mula sa Color;

(j) Gamitin ang Mga Serbisyo, o anumang bahagi nito, para sa kahit anong layuning komersiyal o para sa benepisyo ng anumang third party o sa anumang paraang hindi pinahihintulutan ng Mga Tuntuning ito;

(k) I-forge ang anumang TCP/IP packet header o anumang bahagi ng impormasyon ng header sa kahit anong pag-post sa email o newsgroup, o gamitin sa kahit anong paraan ang Mga Serbisyo upang magpadala ng iniba, mapanlinlang, o maling impormasyong tumutukoy sa source;

(l) Tangkaing i-decipher, i-decompile, i-disassemble, o i-reverse engineer ang alinman sa software na ginagamit para ibigay ang Mga Serbisyo;

(m) Mangialam, o tangkaing mangialam, sa access ng sinumang user, host, o network, kasama nang walang limitasyon ang pagpapadala ng virus, pag-overload, pag-flood, pag-spam, o pag-mail bomb sa Mga Serbisyo;

(n) Kolektahin o itabi ang anumang impormasyong personal na nakikilala mula sa Mga Serbisyo mula sa iba pang user ng Mga Serbisyo nang wala ng kanilang hayagang pahintulot;

(o) Gayahin o irepresenta sa maling paraan ang iyong kaugnayan sa sinumang tao o anumang entity;

(p) Labagin ang anumang kaukulang batas o regulasyon; o

(q) Hikayatin o hayaan ang sinupamang indibidwal para gawin ang alinman sa nabanggit.

Nakalaan sa amin ang karapatang tanggihan at/o tutulan ang anumang hiling para sa Mga Serbisyo na may kinalaman sa kahit anong sample o Test na isinumite bilang paglabag sa Mga Tuntuning ito.

Mayroon kaming karapatang imbestigahan ang mga paglabag sa Mga Tuntuning ito o pag-aasal na may epekto sa Mga Serbisyo. Maaari din kaming kumonsulta at makipagtulungan sa mga awtoridad na tagapagpatupad ng batas upang parusahan ang mga user na lumalabag sa batas.

18.           DMCA/Patakaran sa Copyright. Iginagalang ng Color ang batas sa copyright at inaasahan ang mga user nito na ganoon din ang gawin. Patakaran ng Color na wakasan, sa mga angkop na sitwasyon, ang pagmamay-ari ng account na paulit-ulit na lumalabag o pinaniniwalaang paulit-ulit na lumalabag sa mga karapatan ng mga may-ari ng copyright.

19.           Mga Link sa mga Third Party na Website o Resource. Maaari kang payagan ng Mga Serbisyo (kasama na ang App) na mag-access ng mga third-party na website o iba pang resource. Nagbibigay lang kami ng access para sa kaginhawahan at wala kaming responsibilidad para sa mga content, produkto, o serbisyo sa o na available mula sa mga resource o link na iyon na ipinapakita sa mga nasabing website. Kinikilala mo na tanging ikaw ang may responsibilidad at umaako sa lahat ng peligrong hahantong mula sa paggamit mo sa anumang third-party na website o iba pang resource.

20.           Pagwawakas.

(a) Maaari naming suspendihin o wakasan ang iyong pag-access at paggamit sa Mga Serbisyo, kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagtangging iproseso ang iyong bayolohikal na sample at pagsuspende sa pag-access o pagwawakas sa iyong account, ayon sa sarili naming pagpapasya, anumang oras at nang walang abiso sa iyo. Sakaling matuklasan naming ginagamit mo ang Mga Serbisyo para sa mga layuning di-personal o komersiyal, o paghinalaan naming sinadya mong magbigay ng maling impormasyon kaugnay ng isang Test o Serbisyo, halimbawa, sa pamamagitan ng maling pagrepresenta sa impormasyong ibabahagi mo o pagbibigay sa sample ng ibang tao at di-wastong pagtukoy sa pinagmulan ng sample, maaaring tanggihan ng Color, ayon sa sarili nitong pagpapasya, na iproseso ang iyong sample, wakasan ang iyong account, pagbawalan ang iyong pag-access sa Site at/o Serbisyo, at/o magsagawa ng anupamang kilos na kailangan o angkop upang tiyakin ang pagsunod sa Mga Tuntuning ito. Ang anumang di-awtorisadong paggamit sa Site at/o Serbisyo ay maaaring humantong sa pagbabawal sa iyo sa Site at posibleng sibil at/o pangkrimeng paglilitis.

(b) Maaari mong kanselahin ang iyong account anumang oras, magpadala lang sa amin ng email sa support@color.com. Maaaring abutin nang hanggang tatlumpung (30) araw mula sa petsa kung kailan namin sinimulang iproseso ang iyong hiling bago ma-deactivate ang iyong account. Kung pipiliin mong i-deactivate ang iyong account, hindi na maibabahagi ang iyong (mga) sample at personal na impormasyon para sa pananaliksik (kung nag-opt in ka sa nasabing pananaliksik o pagtatabi ng sample); at hindi ka bibigyan ng Color ng alinman sa Mga Serbisyo sa hinaharap (kasama nang walang limitasyon ang anumang resultang hindi pa naiulat, o anumang update o pagbabago sa iyong mga resulta). Bagaman puwedeng alisin ng Color ang impormasyon mo mula sa mga aktibo nitong database, ang ilan o lahat sa iyong impormasyon mula sa mga na-deactivate na account ay mananatili sa di-aktibong database ng Color para sa pagsunod sa mga legal at panregulatoryong pangangailangan. Pakitandaan din na ang impormasyong inalisan ng pagkakakilanlan, ginawang anonymous, pinagsama-sama, inilathala, at/o ibinahagi na sa mga third party tulad ng nakasaad sa Paunawa sa Privacy bago hiniling ang pag-deactivate sa isang account ay maaaring hindi na mabawi pa o mabalikan upang sirain, i-delete, o susugan.

(c) Sa anumang pagwawakas, paghinto, o pagkansela sa Mga Serbisyo o sa iyong account, ipagpapatuloy ang mga sumusunod na Seksiyon: 12, 19(c), at 20-24.

21.           Mga Disclaimer sa Warranty.

(a) IBINIBIGAY ANG MGA SERBISYO NG “GANOON MISMO,” NANG WALANG ANUMANG URI NG WARRANTY. NANG HINDI NILILIMITAHAN ANG NABANGGIT NA, TAHASAN NAMING ITINATANGGI ANG ANUMANG IPINAHIHIWATIG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIBENTA, KAAKMAAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TAHIMIK NA PAGTAMASA AT HINDI PAGLABAG, AT ANUMANG WARRANTY NA NAGMUMULA SA PAKIKITUNGO O PAGGAMIT NG NEGOSYO. WALA KAMING IBINIBIGAY NA WARRANTY NA MATUTUGUNAN NG MGA SERBISYO ANG IYONG MGA KINAKAILANGAN O NA MAGIGING AVAILABLE ITO NANG TULOY-TULOY, SECURE, O WALANG ERROR. WALA KAMING IBINIBIGAY NA WARRANTY HINGGIL SA KALIDAD, PAGIGING TUMPAK, PAGIGING NAPAPANAHON, PAGIGING TOTOO, PAGIGING KUMPLETO, O PAGIGING MAAASAHAN NG ANUMANG IMPORMASYON O CONTENT SA MGA SERBISYO.

(b) HINDI MEDIKAL NA NANGGAGAMOT ANG COLOR, AT IKAW ANG MAYROON AT ANG MANANATILING MAYROONG RESPONSIBILIDAD PARA SA PAGHAHANAP NG ANGKOP NA PANGANGALAGANG MEDIKAL. KINIKILALA MO AT SANG-AYON KA, TULAD NG HIGIT PANG TINUTUKOY RITO, NA HINDI NAGBIBIGAY ANG COLOR NG ANUMANG SERBISYO O PAYONG MEDIKAL AT HINDI ITO NAGBIBIGAY NG ANUMANG PAGKATAWAN, WARRANTY, GARANTIYA, O PAG-ENDORSO HINGGIL SA MGA SERBISYO O PAYONG MEDIKAL NA MAAARI MONG MAKUHA SA SITE AT/O MGA SERBISYO. WALANG PAYO O IMPORMASYON, NA BINIGKAS MAN O NAKASULAT, NA KINUHA MO MULA SA MGA SERBISYO O ANUMANG MATERYALES O CONTENT NA AVAILABLE SA O SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO (KASAMA NANG WALANG LIMITASYON ANG ANUMANG PAGKONSULTA SA MGA TAGAPAYO SA GENETICS NG COLOR, CLINICAL PHARMACIST, TAGASUPORTANG KAWANI NG COLOR, O THIRD PARTY NA VENDOR) O SITE ANG GAGAWA NG ANUMANG WARRANTY HINGGIL SA COLOR O SA SERBISYO NA HINDI HAYAGANG NAKASAAD SA MGA TUNTUNING ITO. INAAKO MO ANG LAHAT NG PELIGRO PARA SA LAHAT NG PINSALA NA MAAARING IDULOT NG IYONG PAGGAMIT O PAG-ACCESS SA MGA SERBISYO AT SITE. KAPAG GINAMIT MO ANG MGA SERBISYO AT SITE, HIGIT MONG KINIKILALA AT SINASANG-AYUNAN NA HINDI KA MAGSASAGAWA NG ANUMANG AKSIYONG MEDIKAL, O MABIBIGONG MAGSAGAWA NG ANUMANG AKSIYONG MEDIKAL, O BABAGUHIN ANG ALINMAN SA IYONG MGA GAMOT O DOSIS, NANG HINDI KUMOKONSULTA SA ISANG DOKTOR O KWALIPIKADONG HEALTHCARE PROVIDER.

(c) NAUUNAWAAN MO AT SANG-AYON KA NA WALANG RESPONSIBILIDAD AT HINDI PAPATAWAN NG PANANAGUTAN ANG COLOR PARA SA ANUMANG PRODUKTO AT SERBISYONG IBIBIGAY NG IBA PANG INDIBIDWAL O ENTITY BILANG BAHAGI NG ISANG PAGSUSURI, MGA SERBISYO NG BAKUNA, ON-SITE NA SERBISYO NG BAKUNA, SERBISYO NG TELEHEALTH, O KAUGNAY NG ALINMAN SA IBA PANG SERBISYO, KUNG SAAN MAAARING KASAMA ANG MGA MANUFACTURER AT DISTRIBUTOR NG COMPONENT NG TEST KIT, ANG BAKUNA MISMO, MGA MANUFACTURER AT DISTRIBUTOR NG BAKUNA, MGA SITE SA PAGSUSURI AT PAGPAPABAKUNA, PROPESYONAL SA HEALTHCARE, SERBISYO NG TELEHEALTH, KLINIKAL NA LABORATORYO, BOTIKA, ANGKOP NA AWTORIDAD SA KALUSUGAN NG PUBLIKO, AT IBA PANG PAMPAMAHALAANG FUNCTION; DAPAT KANG SUMANGGUNI SA MGA ANGKOP NA PATAKARAN AT TUNTUNIN AT KONDISYON MULA SA IBA PANG NASABING THIRD PARTY PARA SA KANILANG MGA TUNTUNIN NG SERBISYO AT PATAKARAN.

22.           Bayad-pinsala. Magbabayad ka ng pinsala at hindi mo sisisihin ang Color at ang mga opisyal, direktor, empleyado, at ahente nito, mula sa at laban sa anumang paghahabol, di-pagkakasundo, demanda, pananagutan, pinsala, pagkalugi, at mga halaga at gastusin, kasama nang walang limitasyon ang makakatwirang bayarin sa legal at accounting na nagmumula o nauugnay, sa anumang paraan, sa (a) iyong pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo, (b) iyong User Content, o (c) iyong paglabag sa Mga Tuntuning ito.

23.           Limitasyon ng Pananagutan.

(a) HANGGANG SA LAWAK NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, WALANG PANANAGUTAN ANG COLOR O ANG MGA SERVICE PROVIDER NITO NA KASALI SA PAGGAWA, PAG-PRODUCE, O PAGHAHATID NG MGA SERBISYO PARA SA ANUMANG DANYOS O MGA DANYOS NA DI-SADYA, ESPESYAL, BILANG PARUSA, O BILANG RESULTA PARA SA MGA NAWALANG TUBO, NAWALANG KITA, NAWALANG IPON, NAWALANG OPORTUNIDAD SA NEGOSYO, NAWALANG DATOS O MABUTING PAKIKITUNGO, PAGKAANTALA NG SERBISYO, PAGKASIRA NG COMPUTER O PAGPALYA NG SYSTEM O GASTOS SA ANUMANG URI NG PAMALIT NA SERBISYO NA NAGMUMULA O NAUUGNAY SA MGA TUNTUNING ITO O MULA SA PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG MAGAMIT ANG MGA SERBISYO, BATAY MAN SA WARRANTY, KONTRATA, MALING GAWAIN (KASAMA NA ANG KAPABAYAAN), PANANAGUTAN SA PRODUKTO, O ANUPAMANG LEGAL NA TEORYA, AT KUNG NAIPAALAM MAN O HINDI SA COLOR O SA MGA TAGAPAGBIGAY NG SERBISYO NITO ANG POSIBILIDAD NG NASABING DANYOS, KAHIT PA NAPAG-ALAMANG HINDI NAGAMPANAN NG ISANG LIMITADONG REMEDYONG NAKATAKDA RITO ANG PANGUNAHING LAYUNIN NITO.

(b) ANG MGA RESULTA NG PAGSUSURI PARA SA COVID-19 AT MGA SERBISYO SA PAGSUSURI SA COVID AY NAKALAAN UPANG MAGAMIT NG HEALTHCARE PROVIDER PARA SA QUALITATIVE NA PAGTUKOY NG SARS-COV-2 O PARTIKULAR NA VIRAL ANTIGEN (NA NAKAPAILALIM SA MGA PAMAMARAAN AT LIMITASYON NG PAGSUSURI). SANG-AYON KANG HINDI KA LANG AASA SA MGA SERBISYO NG COLOR, MGA RESULTA NG PAGSUSURI, O SA IMPORMASYONG NAKUHA SA COLOR PARA SA ANUMANG LAYUNIN, KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA, PAGTUKOY NA LIGTAS KA O KAYA MONG MAGBIYAHE, DUMALO SA MGA KAGANAPAN, O MAKIHALUBILO SA IBA PANG INDIBIDWAL.

(c) HAYAGANG ITINATANGGI NG COLOR ANG ANUMANG RESPONSIBILIDAD PARA SA IYONG PAGTANGGAP (O KAWALAN NG KAKAYAHANG TUMANGGAP) NG BAKUNA SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO NG PLATFORM SA PAGBABAKUNA, O PAGBIBIGAY NG BAKUNA MULA SA ISANG THIRD PARTY. HINDI NAGMA-MANUFACTURE ANG COLOR KAYA WALA ITONG RESPONSIBILIDAD PARA SA MISMONG MGA BAKUNA.

(d) HANGGANG SA LAWAK NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS NG KINAUUKULANG HURISDIKSYON, WALANG PAGKAKATAON NA ANG KABUUANG PANANAGUTAN NG COLOR NA NAGMUMULA O NAUUGNAY SA MGA TUNTUNING ITO O MULA SA PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG MAGAMIT ANG MGA SERBISYO AY LALAMPAS SA MGA HALAGANG BINAYARAN O BABAYARAN MO SA COLOR PARA SA PAGGAMIT NG MGA SERBISYO, O ISANG DAANG DOLYAR ($100) KUNG WALA KANG OBLIGASYONG MAGBAYAD SA COLOR, AYON SA NARARAPAT.

(e) KUNG MAGBIBIGAY KA NG NASOPHARYNGEAL (NP) O OROPHARYNGEAL (OP) SPECIMEN PARA SA PAGSUSURI PARA SA COVID-19, NAUUNAWAAN MO NA ANG PAGKUHA SA IYONG SPECIMEN AY MAY MGA PELIGRO GAYA NG BANAYAD NA PANANAKIT O PAGKAASIWA, BAHAGYANG PAGDURUWAL, AT/O KAUNTING PAGDURUGO NG ILONG, AT SA NAPAKABIHIRANG SITWASYON, IMPEKSIYON, MALUBHANG PINSALA, O PAGKAMATAY. KAPAG NAGSUMITE NG SPECIMEN, HAYAGAN MONG ITINATATWA AT BINIBITAWAN ANG ALINMAN AT LAHAT NG PAGHAHABOL LABAN SA COLOR DAHIL SA PANANAKIT, PINSALA, O PAGKAMATAY NA DULOT NG PAGKOLEKTA SA IYONG SPECIMEN.

(f) BATAY ANG IYONG MGA RESULTA NG PAGSUSURI SA KASALUKUYANG AVAILABLE NA IMPORMASYON SA LITERATURANG MEDIKAL AT MGA SIYENTIPIKONG DATABASE, PATI NA RIN SA MGA PANLABORATORYONG INFORMATICS AT ALGORITHM NA MAAARING MAGBAGO. NAUUNAWAAN MO AT SANG-AYON KA NA MAAARING SUSUGAN O BAGUHIN NG COLOR, AYON SA SARILI NITONG PAGPAPASYA, ANG IYONG ULAT NG PAGSUSURI BATAY SA ANUMANG NASABING PAGBABAGO. HALIMBAWA, MAAARI ITONG HUMANTONG SA PAGBABAGO SA IYONG MGA RESULTA SA COVID-19; PAGTATASA SA PELIGRO SA GENETICS; PAGPAPALIT SA URI NG ISANG VARIANT; PAGBABAGO O PAG-UPDATE SA ISANG DATI NANG NAIULAT NA PHARMACOGENOMIC GENOTYPE O ALLELE; O PAGPAPALIT SA URI NG NAIULAT NA DIPLOTYPE. ITINATATWA MO SA PARAANG HINDI NA MABABAWI PA ANG ALINMAN AT LAHAT NG PAGHAHABOL LABAN SA COLOR PARA SA ANUMANG PAGSUSOG O PAGBABAGO SA ULAT NG PAGSUSURI ALINSUNOD SA MGA PAMANTAYANG PROSESO NG PAG-OPERATE NG COLOR.

(g) KAPAG GINAMIT MO ANG MGA SERBISYO O IN-ACCESS ANG SITE, KINIKILALA MO RIN AT SANG-AYON KA NA ANG ILANG PARTIKULAR NA SERBISYO AT KAUGNAY NA PRODUKTO AT PAGSUSURI NA IBINIBIGAY RITO AY MAAARING MAPAILALIM SA BATAS PARA SA KAHANDAAN NG PUBLIKO AT PAGHAHANDA PARA SA EMERGENCY “PREP ACT“), NA MAAARING MAGLIMITA SA PANANAGUTAN NG COLOR PARA SA PAGBIBIGAY NG ANUMANG HAKBANG KONTRA COVID-19.

(h) ANG MGA HINDI PAGSALI AT LIMITASYON NG DANYOS NA NAKATAKDA SA ITAAS AY MGA PANGUNAHING ELEMENTONG BATAYAN NG KASUNDUAN SA PAGITAN MO AT NG COLOR.

24.           Sumasaklaw na Batas at Pagpili ng Forum.Ang Mga Tuntuning ito at ang anumang aksiyong kaugnay nito ay pamamahalaan ng mga batas ng Estado ng California, nang walang kinalaman sa mga probisyon nito sa salungatan ng mga batas. Ang eksklusibong hurisdiksyon para sa lahat ng pagtatalo ay ang mga pang-estado at pederal na hukumang matatagpuan sa Santa Clara County. Itinatatwa mo at ng Color ang anumang pagtutol sa hurisdiksyon at lugar sa mga nasabing hukuman.

25.           Mga Pangkalahatang Tuntunin.

(a) Paglalaan ng Mga Karapatan. Eksklusibong pag-aari ng Color at ng mga tagapaglisensiya nito ang lahat ng karapatan, titulo, at interes sa Mga Serbisyo, kasama na ang lahat ng kaugnay na karapatan sa intelektuwal na pag-aari. Kinikilala mo na ang Mga Serbisyo ay protektado ng patent, copyright, trademark, at iba pang batas ng United States at iba pang bansa. Sang-ayon kang hindi mo aalisin, babaguhin, o ikukubli ang anumang copyright, trademark, service mark, o iba pang paunawa tungkol sa mga karapatan sa pagmamay-ari na nakalagay sa o kasama ng Mga Serbisyo.

(b) Kabuuang Kasunduan. Ang Mga Tuntuning ito ang saklaw ng buo at eksklusibong pagkakaintindihan at kasunduan sa pagitan mo at ng Color hinggil sa Mga Serbisyo, at mangingibabaw sa at papalitan ng Mga Tuntuning ito ang lahat ng naunang binigkas o nakasulat na pagkakaintindihan o kasunduan sa pagitan mo at ng Color hinggil sa Mga Serbisyo. Kung ituturing na walang bisa o hindi maipatutupad ayon sa isang hukuman na may kinauukulang hurisdiksyon ang alinmang probisyon sa Mga Tuntuning ito, ipatutupad ang probisyong iyon hanggang sa lawak na pinahihintulutan, at mananatiling ganap na ipinatutupad at may bisa ang iba pang probisyon ng Mga Tuntuning ito. Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang Mga Tuntuning ito, ayon sa pagpapatupad ng batas o sa iba pang paraan, nang walang naunang nakasulat na pahintulot ng Color. Walang bisa ang anumang pagtatangka mo na italaga o ilipat ang Mga Tuntuning ito, nang wala ng nasabing pahintulot. Malayang maitatalaga o maililipat ng Color ang Mga Tuntuning ito nang walang paghihigpit. Alinsunod sa nabanggit, magkakabisa at ipatutupad ang Mga Tuntuning ito para sa kapakinabangan ng mga partido, ng mga papalit sa kanila, at ng mga itatalaga nang may pahintulot.

(c) Mga Paunawa. Ibibigay ang anumang paunawa o iba pang komunikasyong ibinibigay ng Color sa ilalim ng Mga Tuntuning ito: (i) sa pamamagitan ng email o (ii) sa pamamagitan ng pag-post sa Mga Serbisyo. Para sa mga paunawang ginawa sa email, ang petsa ng pagtanggap ang ituturing na petsa kung kailan ipinadala ang nasabing paunawa.

(d) Pagtatatwa sa Mga Karapatan. Ang pagkabigo ng Color na maipatupad ang anumang karapatan o probisyon ng Mga Tuntuning ito ay hindi ituturing na pagtatatwa sa nasabing karapatan o probisyon. Ang pagtatatwa sa anumang nasabing karapatan o probisyon ay magkakaroon lang ng bisa kung nakasulat at nilagdaan ng isang legal na awtorisadong kinatawan ng Color. Maliban kung hayagang nakatakda sa Mga Tuntuning ito, ang pagsasagawa ng magkabilang partido ng alinman sa mga remedyo nito sa ilalim ng Mga Tuntuning ito ay hindi magbabalewala sa iba pa nitong remedyo sa ilalim ng Mga Tuntuning ito o iba pang paraan.

26.           Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa Mga Tuntuning ito o sa Mga Serbisyo, makipag-ugnayan sa Color sa support@color.com.