Binagong Pahintulot na May Pabatid sa Pagpapasuri para sa COVID-19 FINAL 2022.07.20
Pahintulot sa Pagpapasuri para sa COVID-19
This content is also available in: العربية 繁體中文 English 한국어 Русский Español Tiếng Việt
Pinahihintulutan ko ang pagpapasuri para sa COVID-19. Kung nagpapahintulot para sa aking anak o ibang tao, pinatutunayan ko na awtorisado akong magbigay ng pahintulot sa ngalan ng taong sinusuri bilang kinatawan o legal na tagapag-alaga ng tao.
Kukuha ng sample sa pamamagitan ng pagpapasok ng maliit na swab sa magkabilang butas ng ilong, o iba pang minimally invasive na paraan. Susuriin ang sample para sa virus na nagdudulot ng COVID-19. Ang pinakakaraniwang panganib mula sa isang nasal swab ay banayad na pagkirot o pananakit, kaunting pagkaduwal, o kaunting pagdudugo ng ilong. Gaya ng anumang medikal na pagsusuri, posibleng magkaroon ng hindi totoong positibo (false positive) o hindi totoong negatibo (false negative) na resulta ng pagsusuri. Available ang higit pang impormasyon tungkol sa pagpapasuri para sa COVID-19 sa https://www.color.com/covid19-details.
Isasauli sa akin ang mga resulta ng pagsusuri, ng nag-utos na doktor, ilang partikular na ahensya ng gobyerno para sa mga layunin sa kalusugan ng publiko, mga partner sa pagsusuri ayon sa kinakailangan, at kung naaangkop, alinsunod sa pahintulot ng HIPAA na ibibigay ko. Puwedeng gamitin ng Color at ng mga partner ng Color ang mga specimen at data gaya ng inilarawan sa Patakaran sa Privacy ng Color.
Valid ang pahintulot na ito para sa maraming pagsusuri at kasalukuyang pagpapasuri, maliban kung wawakasan ko ang higit pang pakikilahok sa programa ng pagsusuri sa pamamagitan ng pag-email sa support@color.com.